mga taga subaybay

Monday 19 July 2010

Para sa mga lalaking may Kabit...

Ulan kang naligaw mula himpapawid
At biglang pumatak sa tigang kong dibdib
Aking pinagyaman ginawa kang batis
Nagtampisaw akong lihim at tahimik.


Giniginaw ako sa lamig mong handog
Puso'y nadadarang sa init na dulot
Pigil ang hininga tuwing naghahamog
Ang buong paligid sa bawal na sulok

Kamalian ka bang niyakap ang patak,
at ipinidestal sa lumikong landas?
Sabihin mo lamang pag ibig mo'y wagas
Ako'y nakalaang kahit na mautas!.

Gaano mang tagal sa pagkakabulid
Laging naghihintay paglinaw ng tubig
Iinanalanging lakas nitong dibdib
At sa habang buhay ikaw ang pag ibig....

No comments:

Post a Comment