Inspired by True-to-Life stories of Filipino Overseas workers in the Middle East...
Marami sa mga kababayan natin ang nakakaranas ng matinding pangungulila sa kanilang mga mahal sa buhay na iniwang pansamantala sa Pinas.
Tao din po ang mga OFW, hindi bato. Nangungulila, naghahanap ng kalinga...at minsan ay nadarapa at nahuhulog sa bitag ng isang BAWAL NA RELASYON...
Ako ay umalis sa bayan kong mahal
Baon ang pangarap na magandang bukas
Sa malayong lugar ng gitnang silangan
Ay magtatrabaho at kikita ng dolyar
Sa pag alis ko ay iniwang pangako
Sa aking pamilya ay tapat ang puso
Hindi magtataksil sa asawang irog
At siya lang ang tanging laman nitong puso
Ngunit di naglaon lungkot ang nadama
Ang tapat kong puso ngayo'y nangulila
Ang irog kong mahl na siyang sinisinta
Malayo sa piling ko't hindi siya nakikita
Kaya naman upang ang puso'y maaliw
Sa mga katoto ako'y nagliwaliw
At nasabi ko ngang akoy nalulumbay
Sa sinisinta kong sa aki'y nawalay.
Siya'y biglang nangiti at saka natawa
At kanyang sinabing "madali yan kosa"
Hanap mo ba'y aliw sayong pag iisa?
kita ay bibigyan ng ka-textmate baga
Kanya ngang binigay pangalan ng dilag
Kalakip numerong dapat kong makontak
Subukan ko muna at ng mnakatiyak
Na dulot ay ligaya sa pusong umiiyak
Sa pagtunog pa lang niyaong telepono
Ako'y kinabahang tila baguntao
Ang pinitg ng puso ay biglang lumukso
Hindi ko na mawari ang pakiramdam ko
At ng sumagot na dilag na kinontak
Sa kabilang linya ako ay nagalak
Nagpakilala siya at kami'y nag usap
Naghalo ang saya't excitement kumbaga
Sa bawat araw ng aming pag uusap
Ako ay masaya't puso'y nagagalak
Nakalimutan na ang pangakong tapat
Sa aking pamilyang naiwan sa Pinas
Heto ako ngayon, masakit ang ulo
BUtas ang bulsa ko't buhay ay magulo
Kaya kabayan ko ikaw ay matuto
Tiisin ang lungkot at magpakatino
Sa pagsintang bawal kapag nadupilas
Ang pusong marupok maligaw ng landas
Walang mararating na magandang bukas
Matatauhan kang ang bulsa ay butas.
Ronald V. Rafer
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment