mga taga subaybay

Saturday, 3 November 2007

Oh aking Anak!...

Oh aking anak, sa aking pagtanda
Unawain mo sana at pagpasensiyahan ako...

Kung matapon ko ang sabaw sa hapag kainan
O kaya'y makabasag ako ng pinggan
Huwag mo sana akong kagagalitan
Dahil lang yun sa kalabuan ng aking mga mata
at kahinaan ng aking katawan

Kung pinagagalitan man kita
Sa mga baso at pinggang iyong nabasag noong bata ka pa
Iyon ay dahil sa ayaw kong masusugatan ka...

Kung ang mga salitang sinasabi mo ay di ko naiintindihan at di naririnig
Huwag mo sana akong pagsasabihan ng "Bingi"
Mahina na talaga ang aking pandinig
Pakiulit na lang ng malakas-lakas
Hindi naman kailangang ako'y iyong sigawan
Upang tayo ay magkaunawaan...

Kung mabagal na akong maglakad ngayon
at hindi na makasabay sa iyong bilis at liksi
Pakihintay mo lang at alalayan sana ako
Katulad ng pag alalay ko sayo
Noong nag aaral ka pa lang maglakad
Habang tuwang tuwa akong pinag mamasdan ka...

Kung minsan na nagiging makulit ako
At parang sirang plakang paulit ulit ang mga salitang sinasabi ko
Huwag mo sana akong pagtawanan at kainisan
Gnayan ka rin kakulit noong bata ka pa
At nag iiyak ka pa kung hindi kita pinakikinggan
at hindi mo ako tinitigilan hangga't ang nais mo'y hindi nakakamtan...

Kung sakali mang knatatamaran ko na ngayon
Ang paglilinis sa aking katawan
At hindi na naliligo kahit ako'y amoy lupa na
Huwag mo sana akong pandirihan at piliting paliguan
Mahina na kasi ang aking katawan kapag ako'y nalalamigan...

Natatandaan mo pa ba noong bata ka pa?
Kahit ang dungis mo ay masaya kitang hinahalikan?
At matiyagang hahabulibn sa ilalim ng kama upang paliguan?

Kung palagi man akong nagsusungit at nagsisigaw
Iyon ay dala ng pagkainip sa loob ng bahay
At pagkadismaya na wala ng silbi pa ang aking buhay
Ipadama mo lang sana na may halaga pa rin ako sa iyong mundo
Katulad ng pagpapahalaga at pagpapadama ko sa iyo noon
at pagtutuwid ko sa mga pagkakamali at katigasan ng iyong ulo...

Kung may konti ka pang panahon
Magkuwentuhan naman tayo...

Sabik na sabik akong makausap ka
Subalit alam kong busy ka
Sa trabaho at sa mga gawaing bahay
Kaya't wala ka ng panahon para sa akin

Gusto kong malaman mong hinahanap hanap ko ang mga kuwento mo
At interesado pa rin akong makinig sayo
Katulad ng pagkukuwento mo noong bata ka pa
At tuwang tuwa akong pinakikinggan ka
Habang pautal utal kang nagkukuwento tungkol sa mga bagong kaibigan mo sa school

Kung ako man ay maihi at madumi
Dahil hindi na makabangon sa higaan
Huwag mo sana akong kagalitan at pandirihan
Katulad ng walang reklamo kong paggising sa gabi
At kahit anong pagod ay walang sawang titiisin ang antok
Upang linisin ang dumi at palitan ang iyong lampin
Huwag lang masira ang tulog mo
HIndi na baleng ako ang mapuyat
At makagalitan ng boss ko dahil aantok antok sa trabaho...

At kung ako'y maratay na sa banig ng karamdaman
Huwag mo sana akong pagsawaang alagaan
Gaya ng matiyaga kong pagaalaga sayo noong musmos ka pa lang
Bawat daing mo'y hirap na dinadala sa aking kalooban
Pagtiyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay
Sapagkat ako naman ay hindi na magtatagal...

At kung dumating na ang aking takdang panahon
At ako'y haharap na sa dakilang lumikha
Ibubulong ko at hihilingin sa kanya
Na pagpalain ka niya, Oh aking anak!...
Dahil naging mapagmahal at maalaga ka...
Sa iyong mga magulang!...

Ron:)
Abqaiq, KSA

1 comment:

  1. whew...a poem like sword marshmallows steel, it strucked my being..as a prodigal.._____..hehe...thanks ron

    ReplyDelete