(An adult version of baby talk)
We can't expect kids to think like we adults do, but we adults of course can think the way kids thinks...Pero kapag ang matanda ang nag isip bata, nakupo! sobrang ang gulo ng usapan.
Napag usapan namin kanina ng isang kaibigan sa YM ang tungkol sa mga super smart na pre-school kids. Minsan nga nagtataka tayo dahil sa kanilang edad ay kung ano anong mga bagay na ang naiisip nila. Kaya naman, naisipan kong ibahagi dito ang super riot na usapan namin ng bunso kong anak na si Fionna Faith.
Heto, basahin nyo na lang kung paano kami nagra rambulan ng five years old pre-school daughter ko na super smart at super kulit kausap...(mana daw sa daddy)
excited na tuloy akong umuwi...
Conversation #1 Batang Bolera
"Papa, I LOVE YOU!..."
"Talaga anak, Love mo si papa?"
"Opo"
"Totoo?"
"Totoo po"
"Kahit wala akong pera?"
"Ay! wala kang pera papa?"
"Hindi na kita Love!"
"Jan ka na!...BYE!"
"Papadalan mo lagi si mama ng pera ha!"
Conversa
Conversation #2 Uwi ka na
"Papa miss na miss ka na namin"
"Talaga anak?...miss na miss ka na rin ni papa"
"Papa uwi ka na...kahit walang pera basta uwi ka na"
"Hindi pa puwede anak, kasi walang sasakyan si papa pauwi eh"
"Hindi ba sabi mo may car ka jan?...eh di yun ang sakyan mo pauwi"
"Hindi ko puwedeng gamitin yun pag uwi ko anak, kasi sa boss ko yun, magagalit siya sa akin"
"Ay!...masungit ang boss mo papa?"
"Opo...kaya hindi ko puwedeng dalhin yung car"
"Ay ganun?..Ano ba yan?...Eh di mag tricycle ka na lang"
"Anak, hindi puwede ang tricycle kasi malayo, Hindi ako makakarating kaagad...dapat airplane para mabilis kasi lumilipad..."
"Ay! airplane pala saskyan mo papa?"
"Eh paano ka makaka baba...ang taas taas ng lipad ng airplane?"
sumabat sa usapan ang aking asawa na halos gumugulong na sa kakatawa sa usapan naming mag ama...(naka loud speaker ang phone)
"Baby, may hagdan naman anak yung airplane, kaya makakababa si papa mo dun"
"Uhm!...wala naman akong nakikitang hagdan nung airplane ah!...paano yun?
(lumilipad kasi ang mga airplane na nakikita nya)
"Ahm...anak kasi yung hagdan, dadalhin ko sa loob ng eroplano pagsakay ko, kaya hindi mo yun makikita..."
"Ah, ok...papa, sa tapat ka ng bahay bumaba ha, para makita ka namin!"
Conversation # 3 Bahay ni Barbie
"O, anak...uuwi na ako."
"Anong gusto mong pasalubong?"
"Ay!..uuwi k na papa?"
"Opo, malapit na, so anong gusto mong pasalubong?"
"Papa, ibili mo na lang po ako ng maraming maraming chocolates..."
"Ok, chocolates...ano pa?"
"Saka po papa, ibili mo ako ng malaking Barbie doll na may haus..."
"Eh anak, wala namang haus si barbie eh, doll lang siya anak. kung gusto mo ng doll na may haus, hindi si barbie ang bibilhin natin..."
"Eh gusto ko papa si barbie...tsaka may haus kasi saan matutulog si barbie kung wala siyang haus?"
"Patulugin mo na lang sa room mo, tabi kayo sa bed"
"Eh si mama naman ang katabi ko, kawawa naman pala si barbie?"
"Bilhan mo na lang ng haus si barbie papa"
"Hindi nga puwede kasi walang haus si barbie."
"Bilhan mo nga papa eh, para magkaroon siya ng haus"
"Eh anak, paano ko madadala yun, hindi naman kakasya sa airplane yung haus?"
"Bakit hindi kakasya, eh malaki naman yung airplane?"
"Eh kasi maliit lang ang pinto nun."
"Eh di sa bintana mo idaan!"
Conversation #4 Chocolates
"Oh, anak...nabili ko na yung chocolates mo"
"Talaga papa?...Marami?"
"Opo, maraming marami...ubusin mo lahat ito ha"
"Ay!..sabi po ni teacher nakakasira daw ng teeth..."
"Eh paano mauubos yung chocolates?"
"E di bibigyan ko po si baby Angel namin, tsaka si teacher, tsaka yung mga classmates ko sa school."
"Si tito Resty, hindi mo ba bibigyan?"
"Hindi!...kasi bad siya...lagi nya ako inaaway saka sinasabihan ng panget."
"Eh si mama, hindi rin?"
"Hmmp!...kumukuha na lang naman si mama kahit hindi nagpaalam eh..."
"Eh si kuya?..."
"Hindi rin po si kuya, kasi hindi nya ako pinapasakay sa bike niya..."
biglang sumingit sa usapan ang kuya na nakikinig pala sa amin...
"Papa sabi po ni Fionna sa akinkagabi, pag binili mo daw siya ng maraming chocolates, bibigyan nya daw po yung crush nya sa school..."
"Waaaa!...ayaw ko na sa inyong mag ama kayo!...Mga panget kayo!...Mga panget!..."
"hahahahaha!" lakas ng tawa ko..
at kinausap ko si ivan, matapos iwan ni fionna ang celfon sa kanya...
"Eh ikaw Ivan, may crush ka na rin ba sa school nyo?"
"Hmp!..si papa parang TANGA!...9 years pa lng ako, grade 3 pa nga lang eh crush na daw agad!..."
waaaaaaaa...ako pa tuloy ang tinawag na tanga!...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment