mga taga subaybay

Friday, 22 January 2010

Habang Maikli ang KUMOT...

Habang Maikli ang kumot...



Tayong mga Pinoy ay napakasipag. Trabaho dito, trabaho dun. Kayod sa umaga, kayod sa gabi. 8-5 na nga ang trabaho, may sideline pang pagtitinda sa gabi. Hindi naman tayo suwapang, multi-tasking lang.

Kaya hindi ako naniniwalang mahirap ang buhay ng isang Pinoy, kasi tayo pag may konting pera nasa mall na. Gasta dito, gasta doon. Walang tigil sa pag gasta habang may pera...Ngayon kung nagkamali ng computation sa paggasta, natural eh di pulubi mode muna. Kung may pera na ulit, eh di all the way hapi-hapi ulit.

Ganun ang karamihan sa pinoy...at guilty ako dun.

Maiksi lang ang buhay eh, kumayod tayo para kumita at gamitin natin ang pinaghirapan natin habang nabubuhay pa tayo. Para ano pa kasi at nagtratrabaho tayo di ba? Kung hindi naman tayo magiging masaya...Eh di magpakasaya na!

Kaya yung mga nagsasabing mag-ipon para yumaman? Mga sinungaling yun kasi aanhin mo naman ang lahat ng yaman na yan, kung ang buhay mo ay malungkot naman?

No comments:

Post a Comment