mga taga subaybay

Tuesday, 26 January 2010

Pilipino KA...

Pilipino ka....pero

Sabi MO , ang gobyerno natin ay palpak.

Sabi MO , ang mga batas natin ay sinauna at hindi patas.

Sabi MO , ang lokal na pamahalaan natin ay hindi maganda ang pagkolekta ng basura at ang paglilinis ng mga lugar.

Sabi MO , hindi gumagana ang mga telepono, katatawanan ang kalagayan ng trapiko, at hindi nakakarating sa paroroonan ang mga sulat.

Sabi MO , parang nasadlak sa basura ang ating buong bansa.

Sabi Mo , sabi MO, sabi MO.

E ano'ng ginagawa mo tungkol dito?

Kumuha ka ng isang taong papunta sa Singapore . Bigyan mo sya ng pangalan, yung sa IYO. Bigyan MO sya ng mukha, yung sa IYO. Lumabas KA sa airport nang pinakamatino mong sarili na maipagmamalaki sa mundo..

Sa Singapore Hindi KA nagtatapon ng upos ng sigarilyo sa kalye. Ipinagmamalaki MO ang magaganda nilang underpass. Nagbabayad KA ng mga 60 pesos para makapagmaneho sa Orchard Road (parang EDSA) mula alas 5 hanggang alas 8 ng gabi. Bumalik KA sa parking lot para bayaran ang parking tiket mo kung napasobra ka ng oras sa shopping o sa pagkain sa isang restaurant. Sa Singapore , wala KAng sinasabi, meron ba?

Hindi MO susubukang kumain sa lantad kapag Ramadan sa Saudi Arabia. Hindi MO susubukang lumabas ng bahay na walang takip ang mukha sa Riyadh o Makkah.
Hindi MO susubukang suhulan ang isang empleyado ng kumpanya ng telepono sa London para mapunta sa ibang tao ang mga long distance na tawag mo.

Hindi MO susubukang lumampas ng 90 kilometers per hour ang takbo ng sasakyan mo sa Washington, at saka sasabihin sa pulis "Alam mo kung sino ako?"

Bakit di MO subukang dumura o magtapon ng upos ng sigarilyo o balat ng kendi sa mga kalye sa Tokyo ?

Bakit hindi MO subukang bumili ng pekeng mga papeles sa Boston tulad ng ginagawa sa Recto?

Pinag-uusapan pa rin natin IKAW.

IKAW na gumagalang at sumusunod sa patakarang banyaga sa ibang bansa pero hindi makasunod sa mga BATAS at PATAKARAN ng sariliu mong bansa.

IKAW na tapon ng tapon sa kalye pagtuntong mo pa lang sa lupa.

Kung IKAW ay nakikisalamuha at pumupuri ng sistema sa bansang banyaga, bakit hindi KA maging ganyan sa Pilipinas?

Minsan sa isang panayam, ang dating Subic Administrator na si Gordon ay may katwiran ng sinabi nyang "Ang mga aso ng mayayaman ay pinalalakad at pinadudumi ng may-ari sa kalye, tapos sila mismo ang pumupuna sa may katungkulan sa kapalpakan sa paglilinis ng mga kalye. Ano ang gusto nilang gawin ng mga may katungkulan? Magwalis tuwing makakaramdam ng hindi maganda sa tiyan ang kanilang alaga?"

Sa America , bawat may-ari ng alaga ay dapat maglinis matapos ang pagdumi ng aso. Ganuon din sa Japan .

Gagawin ba ng mga Pilipino yun dito? Tama sya.

Pumupunta tayo sa botohan para pumili ng manunungkulan sa gobyerno at pagkatapos nuon ay tinatanggal na natin sa sarili ang responsibilidad. Uupo tayo sa isang tabi at paghihintay ng pagkalinga at umaasa na gagawin ng gobyerno ang lahat habang wala tayong iniaalay para tulungan sila.

Umaasa tayo sa pamahalaan na maglinis, ngunit hindi naman tayo titigil sa pagtatapon ng basura sa kung saan-saan, at ni hindi tayo pupulot ng anumang piraso ng papel para itapon sa basurahan.

Pagdating sa mga panlipunang talakayin tulad nang hindi pagiging tapat sa kasal, sa mga dalagang ina, sa pagtatalik ng walang basbas ng kasal, at iba pa, maingay tayong nagpoprotesta ngunit patuloy naman nating ginagawa ang mga ito.

Sa sandaling tayo ay mangulila kapag nasa labas tayo ng bansa, naghahanap tayo ng aliw sa iba, kadalasan sa kapwa rin natin Pilipino, na hindi natin iniisip ang ating katungkulan na ating sinumpaan sa ating pamilya nuong narito pa tayo.

Tapos sinisisi natin ang pamahalaan kapag nakikita natin ang karahasan sa kabataan, pagkagumon sa bawal na gamot, at iba pa, samantalang sinimulan natin ito sa hindi pagpansin sa pangangailangan ng ating mga anak ng tunay na pag-gabay at responsibilidad ng isang magulang.

Ang sabi natin, "Ang buong sistema ang kailangang magbago. Ano ang magagawa kung ako lang ang magpapabago sa aking pamilya?"

E sino ang magbabago ng sistema?

Ano ba ang mga sankap ng sistema? Napakaginhawa sa atin na ang sistema ay binubuo ng ating mga kapitbahay, mga ibang tahanan, ibang syudad, ibang
komunidad, at ang pamahalaan. Pero hindi kasama IKAW at AKO. Pagdating sa ating pagkakaroon ng positibong handog sa sistema, ikinakandado natin ang sarili, pati
na ang ating pamilya sa loob ng isang ligtas na pugad at tumatanaw na lang tayo sa malayong mga lugar at bansa at naghihintay ng isang Mr. Clean na dumating at
maghatid na mga himala.

O lumilikas tayo. Parang mga tamad na duwag na hindi pinatatahimik ng ating mga takot, tumatakbo tayo sa Amerika upang makisalo sa kanilang luwalhati at
purihin sa kanilang sistema. Pero pag naging masalimuot sa New York tatakbo tayo sa Japan o Hongkong. Pag nagkahirapan ang paghanap ng trabaho sa
Hongkong, sakay agad tayo sa susunod na eroplano patungong Gitnang Silangan. Pag may digmaan sa Gulf, inaasahan nating masagip at mapauwi ng Gobyernong
Pilipino.

Lahat ay handang umabuso at gumahasa sa bansa. Walang nag-iisip na handugan ang sistema. Ang konsyensya natin ay nakasanla sa pera. Mga mahal kong kababayan,
ang sulating ito ay matinding nakakakislot ng isipan, nangangailangan ng maraming pagmumuni-muni, at tumutusok din sa konsyensya. Medyo inuulit ko lang ayon sa ating salita ang mga salita ni John F.Kennedy sa kanyang kabansa upang maitugma sa ating mga Pilipino:

"Itanong natin kung ano ang magagawa natin sa ating bansang Pilipinas at gawin ang nararapat upang ang Pilipinas ay maging tulad ng Amerika at ibang
kanlurang bansa ngayon."

Bakit hindi kaya natin gawin kung ano ang kailangan ng Pilipinas sa atin....

Saturday, 23 January 2010

Living Between TWO WORLDS

Usapan sa tambayan ng mga OFW’s sa Saudi Arabia…
Ang dalawang mundong ginagalawan ng mga Filipino expatriates na namumuhay at nagtatrabaho sa ibang bansa..

“sa pilipinas ay isang butihing ama o ina, pero sa ibang bansa ay may ibang kinakasama”

“kapag nagbabakasyon, feeling rich, para maipakita na can afford…pero sa ibang bansa trabahong kalabaw at doble doble ang part time jobs na ginagawa para kumita ng perang pansustina sa ganung larawan ng buhay na ipinapakita”

“sa harap ng pamilya at mga kaibigan sa pilipinas ay astig at macho ang kilos at dating, pero wag maloka kung makikita siya sa ibang bansa na ala marriane rivera at daig pa si darna sa ka artehan kapag dumadalo sa mga gatherings sa istiraha”

Isang kaibigan ang dumating mula sa pakikipag chat sa kanyang pamilya, at panandaliang naputol ang palitan ng mga kuro kuro….

“naka chat ko ang aking asawa at mga anak sa internet”
“nakausap mo na pala eh bakit parang iiyak at lungkot na lungkot ka?”
“sabi kasi ng bunso ko…”mama, kunin na natin si papa at iuwi natin sa bahay” habang hinahawakan nila ng kuya niya ang ang aking mukha sa screen ng computer. gusto kong umiyak, yakapin at halikan sila, pero hindi puiwedeng magpakita ng lungkot ang isang OFW, dahil baka lalong malungkot at umiyak si misis…sa aking dibdib na lang at lungkot at pagka giliw na nadarama”

Biglang natahimik ang grupo…

Matagal!
at dagling binago ang paksa ng usapan….

Siguro dahil sa iisang dahilan….
Dahil lahat sila bilang mga OFW ay namumuhay at dapat matutong mamuhay sa dalawang mundo na kanilang ginagalawan.
Sa harap ng naiwang pamilya sa pinas na sumasandal at umaasa sa kanila, dapat silang maging matatag…Masaya, kahit na kadalasan ay lumong lumo na…”OK lang ako dito, maayos naman ang lahat” tila ba naka program na sa utak ang otomatikong isasagot sa pamilya kahit ang katotohanan ay lubog na sa pagtitiis at paghihirap…
Na malakas at walang sakit, para huwag silang mag alala…kahit ang katotohanan ay nakahiga sa pagamutan at hirap kumilos habang kinakausap ng mahal na pamilya sa pilipinas…Dapat laging matatag…para maipakita ang “role” ng isang moog na sandalan…isang matatag na ama…butihing ina…isang ulirang anak na laging handang magmahal, maglingkod at magpakasakit alalng alang sa pamilya…larawan ng isang matibay na sandalan sakabila ng katotohanang marami sa kanila ang naghahanap din ng isang matatag na pader na masasandalan…
Nakakalungkot isipin, subalit ang isang OFW ay parang isang punching bag, na puwedeng suntukin ng paulit ulit pero hindi puwedeng gumanti ng suntok…at mas pinipili na huwag sumigaw kahit siya ay nasasaktan…hindi gagawing gumanti, dahil sa iisang dahilan…

dahil siya ay nagmamahal!…

Mahal ng isang OFW ang kanyang pamilya….
pamilyang pansamantalang iniwan para bigyan ng mas magandang kinabukasan…
Kahit na mangyari pa na kailanganin niyang mabuhay sa dalawang magka ibang mundo…

…and only an OFW can understand another OFW….
Dahil pareho sila ng buhay na pinagdadaanan

Ronald Villaluz Rafer
Operation Support and Maintenance
DLPS, Abqaiq Saudi Arabia

Friday, 22 January 2010

Habang Maikli ang KUMOT...

Habang Maikli ang kumot...



Tayong mga Pinoy ay napakasipag. Trabaho dito, trabaho dun. Kayod sa umaga, kayod sa gabi. 8-5 na nga ang trabaho, may sideline pang pagtitinda sa gabi. Hindi naman tayo suwapang, multi-tasking lang.

Kaya hindi ako naniniwalang mahirap ang buhay ng isang Pinoy, kasi tayo pag may konting pera nasa mall na. Gasta dito, gasta doon. Walang tigil sa pag gasta habang may pera...Ngayon kung nagkamali ng computation sa paggasta, natural eh di pulubi mode muna. Kung may pera na ulit, eh di all the way hapi-hapi ulit.

Ganun ang karamihan sa pinoy...at guilty ako dun.

Maiksi lang ang buhay eh, kumayod tayo para kumita at gamitin natin ang pinaghirapan natin habang nabubuhay pa tayo. Para ano pa kasi at nagtratrabaho tayo di ba? Kung hindi naman tayo magiging masaya...Eh di magpakasaya na!

Kaya yung mga nagsasabing mag-ipon para yumaman? Mga sinungaling yun kasi aanhin mo naman ang lahat ng yaman na yan, kung ang buhay mo ay malungkot naman?

Thursday, 21 January 2010

Over a cup of coffee

Aside from the natural distinctive aroma of the roasted beans of brewed coffee, I most love simple conversation over a cup of coffee blended with the presence of my friends.

One chilly winter morning, my friends and I were sitting around a small table in our cafeteria talking about trivial things. We were freezing inside our jackets and our hands were as cold as cat's nose but a hot coffee fired up our conversation and fueled our bonds. It may sound like nonsense, but it was actually a special moment in time. What really matters most then was the pleasant conversation inside that small cafeteria. I haven't met some of those men before, and I say that first impressions are usually lasting. We brought the gathering to ones of our homes and unleashed the communications over more steaming cups of hot coffee. Evryone laid down their cards, expressed their ideas, talk about themselves, and listened as others talked. Differences were set aside and gaps were bridged.

These things happened in a cold wintry atmosphere when melancholy usually prevails and gray clouds lowers over a gloomy lethargy Winter is a season we feel sedated, and would rather stay in the comfort of our homes. Coffee is just right for passing time, relaxing and talking. Holding hot coffee mugs warms our hands and talking with friends while sipping over a cup of coffee tightens our bonds with them.

This story illustrates the essence of communications in building relationships. Furthermore, it helps builds successful work. Communications for me is the greatest invention men had ever made. It plays a vital part in our relationships with our families, friends, companies, and communities. Effective communications plays a significant role in a successful organization. Keeping communications line open will go a long way toward creating and maintianing a healthy environment.

Friendship is a continous communication full of interest, whether warmed over a cup of coffee or not.

Wednesday, 20 January 2010

The Beginning...


"The day that I left my homeland is the day that I start to live..."

The beginning

It was a cold wintry morning in 2005 when I boarded a Manila bound bus in Sta. Rosa Laguna, at the end of my resources and a the end of my rope. I pt back in my bag the newspaper clippings which have been responsible for giving me an inspiration at a time when I needed it most. At 26 years, everything I have tried had somehow failed to hold on me. in fact, I have long been in doubt whether or not there was anything really in meI was recently been fired from a job that I dont really learned to like eventhough it was the only job that I knew and was the only thing that keeps me alive and well. My physical stature makes everyone think that I was a hard man, but in reality, I was just nobody better than an no good asshole with no home and no kinsfolk to speak of, no friends, no money, no sweetheart, nothing! Just a couple of clothes and faded jeans that I got in my old backpack. Nothing to lose, and nowhere else to go. And while I was about to embark in a beginning of a new journey, I became somewhat nostalgic.

Nostalgia

My father wanted me to be a farmer, being the eldest of three sons in a family that tends a sizable farmland in the province. So I went to an agricultural school for a year, but gave that up. Then by my mother's inspiration, I tried business management for a year. No good. I had interest in management, but the thought of staying indoors and spending the rest of my life sitting in my office slowly killed my interest. Those two frustrating years, however, revealed to me what was the matter. The ambition of my parent to put me into a profession, or if not, into business have influenced me against what I really wanted. I wanted to be free!. I needed to get away out of this seemingly unending monotony of my life out somewhere where I could be me.

I love adventure. My mother always tells me that I was like one of her brother who loves the thrill of the fights and adventures in the countryside. But apart from being physically strong and active on my feet, I had no other qualifications that I knew for leading an adventurous life. Nevertheless, It was adventure that called increasingly upon me.

Then I have been troubled by the rumblings of war between the Government forces and the Islamic separatist rebels of Mindanao. Now it was a fact, and being a reservist in the Armed forces, I was called to enlist for active military services. Christian by faith, and by my strong personal feelings against the moros, I joined the Army, to fight for my country and for my faith. I did not feel that I could not have made it a good soldier because there was something about a soldier's free life for adventure and danger that appealed to me. Still, with my country's split views over the issues of war that we are fighting for, and the ravaging scandals that stormed the leadership of the military, I feel like I was caught in between the devil and a deep cliff. So altogether, my dissatisfaction and unhappiness in my life drove me to undertake this long, painful and agonizing journey to the hinterland of Arabia.

The Departure

As I looked around me, I realized that I was the only person aboard the bus. In fact, even the driver was nowhere about. Then I turned my head around me and noticed few passerby's and some noctambulant vendors around the terminal. It's quite too early at 4 A.M. to ride. My flight is scheduled at 3 P.M. It took sometime until finally other passengers begin to arrived. Two passengers seated just behind me, weather beaten hard young men who were evidently recovering from a night of too close intimacy with liquor. I could smell the spirit coming out of their breath. Then there was a keen-eyed old man, and a buxom woman. they were apparently merchants. Another man had climbed to the driver's seat, and announced that the bus was about to leave. The last passenger who took the seat beside me was a salesman working in Makati.

As we were about to roll on the road, a a clamor of friendly voices arose bidding us goodbye. No doubt, some of the well-wishers actually know some of the passengers. But from the wave of sounds that arose, I could see that the departure of that bus was an event, and I seem to feel that some of the goodbyes and well-wishes ringing in my ears were actually meant for me.

And so the rest is history...