Friday, 19 February 2010
Tukso ng iyong Halik!
Tukso ng Iyong Halik
Ininom ko ang hiningang sa dibdib mo'y umaalon
Ng lumala ang pagsintang doon yata nagkakanlong
Damdam ko ba ay nagkita ang maliyab na tagunton
Ng tagpuang pinag isa ng kung ano't anong gatong!
Ang totoo'y di mabilang ang hinabing pakiusap
Na sinaksi ang simbahan at ang santang palaiyak
Alam ko mang kasalanan ang ubod ng aking hangad
Ay may lakas na dahilang sa pithaya'y nakalapat!
Aminin ng ang pag ibig ay maluhong pagnanasa
Patikimin kahit saglit ang labi ng makalupa
'Pag nagsindi iyang halik na may haplos, magkukusa
Ang hanap na pagniniig na may basbas ng bathala!
Saan nga ba hahanapin ang matamis na pagsuyo,
Kundi diyan sa hinaing nga labi mong nanunukso!...
ron:)
al doha distrcit ad-dharan KSA
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment