mga taga subaybay

Sunday, 20 September 2009

usapang ulam

kumbaga sa pagkain, ang asawa ay isang espesyal at masarap na putahe na tanging ikaw lang ang puwedeng tumikim (hindi puwede ang iba, or else magkaka katayan). subalit espesyal man daw at masarap, kung araw araw mong pinapapak ay mauumay at magsasawa ka rin at minsan ay hahanapin ng iyong panlasa ang ibang mga exotic na ulam tulad ng sardinas,bagoong, kangkong, tuyo at galunggong...
"poor man's dishes"
one time lang, sawa ka na agad. pampa tanggal lang ng umay, 'ika nga nila...

a friend asked me minsang kumakain kami sa isang sikat na restaurant sa manama, bahrain.
"r0n, ang ganda ganda na ng asawa mo pare, pero bakit nagawa mo pang mambabae noong ikaw ay nagbakasyon? bakit pare?"
i told him "pare, parang ulam natin, masarap ang crispy tenderloin dipped in honey lemon sauce, with garden fresh salad in garlic-mayo toppings. di ba napapadami ang kain mo? pero nakaka umay din yan kapag madalas...kaya minsan di ba, naghahanap ka ng sardinas?...nagsawa ang panlasa ko sa sinigang na sugpo noon, kaya tumikim ako ng paksiw na galunggong. pero isinuka ko rin kasi "bilasa" na pala, hindi na siya fresh. sumakit lang ang tiyan ko...

well, hindi ako
"baleng" para ipagpalit ang bacon sa "bagoong". side dish lang un, "taste enhancer" kumbaga. katulad sa pag aasawa, magkakagulo kapag "tumikim" ka ng iba. parang bacon na iginisa sa bagoong, hindi match di ba? at siguradong sira ang timpla, papangit ang lasa...pero kapag naayos na ang problema, the relationship will become stronger and better than it was before:). parang ulam na muling sumasarap kapag ininit at tinimplahan ulit...but wait! nasabi ko na ba na mas bagay ang bagoong sa kangkong?...hindi sa bacon:]
perfect match sila, di ba? "bagoong at kangkong"...ang mahal nga sa chowking nun eh,
"exotic match", amoy na kumakapit at lasang uhhmm, nameeet!.."finger licking good". solve na solve ka talaga! pero side dish lang, hindi puwedeng maging main dish kasi kulang sa sustansya. katulad sa buhay may asawa, minsan merong mga taong pang side dish lang din. iyong mga nakikihati sa oras pagmamahal at atensiyon na dapat nauukol sa iba. enjoy kang kasama sila dahil gagawin nila ang lahat lahat para ma-satisfy ka, pero hindi ka magiging maaligaya dahil kulang sa tunay na sustansiya.
"kulang sa pagmamahal". libog lang yan! ika nga ng isang kaibigan kong balahura.

eh nakatikim na ba kayo ng "burong kapampangan"? alam nyo ba na panis na kanin yun, pinabulok kasama ang mga ingredients nya (isda, hipon o alamang) at kapag bulok na saka igigisa sa taba ng karneng baboy. OMG! promise para kang kumakain ng suka ng palaka, pero mabango at masarap siya kung "one time" lang titikman. pag inulit mo pa maduduwal ka na. lalo na yung burong kapampangan na made in mindoro, mabango at masarap kung isang beses lang titikman, pero nakakaduwal na pag uulitin mo pa.

paano daw naging related ang asawa sa ulam?...

wala lang:)

eh ang bagoong at kangkong?...

sila yun...

No comments:

Post a Comment