mga taga subaybay

Sunday, 20 September 2009

parang basketball

...pag ibig...parang basketball...

dapat give and take ang laro. syempre,
one will win, one will lose,
ganon din naman sa love di ba?

laging merong nagmamahal ng nakahihigit sa pagmamahal ng isa.
at yung isa naman, laging humahabol.
minsan may fouls, kasi minsan nagkakasakitan na.

no relationship is perfect
kaya allowed ka hanggang 6 fouls.
kaso pag fouled out ka na,
kailangan mo ng humanap ng ibang kalaro.

masyado mo kasing 'hinaharass' yung kalaro mo.
ganun nga siguro talaga...

pag naghahanap ka naman
ng isang kalaro na ayaw makipaglaro sa yo,
para kang nagmamahal
sa isang tao na hindi ka naman mahal.

minsan meron naman dyan na isinasali ka
sa laro kahit ayaw mo, para kang hinahabol
ng isang tao na hindi mo naman mahal.

pero di ba mas mahirap
pag pareho niyong gustong maglaro
kaso di na pwede kasi yung isa sa inyo eh may kalaro na
o kaya pareho kayong may kalaro na?.

hay naku..

eh sino ba yung referee?
ahh.. yung mga kaibigan mo na
minsan pilit na pinaghihiwalay kayo.
swerte mo kapag kakampi mo yung referee.
kasi di ka niya tatawagan ng fouls.
kaso yung kalaro mo naman..
hurting inside na eh di mo pa alam.
ang hirap intindihin no?

complicated..

para nga talagang basketball.

pero siguro dapat natin tandaan..
wag na wag lilipat sa ibang court
habang naglalaro ka pa sa court mo.
mahirap mag double-play.
isa lang ang katawan mo.
mahirap maglaro sa dalawang court.
dapat stick to one court ka lang.
o di ba. mas maayos ang game?

hayy..

kailan kaya ako makakahanap ng kalaro
na di ako iiwanan sa gitna ng court?

No comments:

Post a Comment