"I'd rather be a fool with a broken heart than be someone who never had a part of you."
Bakit kaya minsan ang sarap magmahal kahit walang kapalit?
naisip mo na ba iyon?
akala mo okey lang... kahit sobrang hirap...
Masarap magmahal hindi ba?
Kahit ikaw, hindi ka sigurado sa pag ibig ng taong mahal na mahal mo...
Minsan iniisip mo nalang na pagdating ng tamang panahon magiging maayos din ang lahat... Sana nga!
Nang hindi ka naman mukhang tanga sa kaka asa sa kanya sa wala...
Minsan din ang sarap sarap isipin na minamahal ka ng taong mahal mo! yung tipong kayo na lang sana at hindi ang mga nakikita mong kasama nya na masaya at akala ang buong mundo ay kanilang kanila...
Minsan din ang sarap bumalik sa nakaraan...
Yung tipong masaya pa kayo, parang mga batang walang problema...
Kung meron man parang, against all odds ang settings...
Pero may nakabitin pa ring tanong... ano kayang nangyari? at ang kadalasang kasagutan eh:
1. kasi di pala kami para sa isat-isa;
2. Nagkamali ako sa kanya;
3. iniwan lang nya ko ;
4. may iba na syang mahal;
5. niloko lang nya ko;
6. Di ako gusto ng parents nya;
7. ayoko na, puro na lang kami away;
8. masyado nya kong nasasaktan;
9. nagsawa na sya sa akin;
pero ito ang pinaka masakit;.
10.HINDI PALA NYA AKO TALAGANG MAHAL (parang panakip butas)
Ang sakit, hindi ba?
Pero kailan kaya natin maririnig na nagpapasalamat ang isang umiibig sa taong nakasakit sa damdamin nya?
Minsan naisip din kaya natin kung ano ang kahalagahan ng isang bagay, yung kailangang bigyan ng halaga habang nandyan pa!
Minsan kasi, saka lang natin nalalaman ang siyang kahalagahan ng isang bagay pag wala na ito sa atin!!!
Kaya minsan din isipin natin yung mga sinasabi, kinikilos, at ginagawa natin kasi hindi lahat ng tao kayang tanggapin kung ano at paano natin ginagawa ang isang bagay!
Subukan nating magpasalamat sa kabila ng lahat...
A. kung sinaktan ka nya... magpasalamat ka dahil sya ang dahilan para maging matibay ka;
B. kung niloko ka nya... patawarin mo at pasalamatan mo... nang dahil sa kanya nararamdam mo ang sakit at natuto ka na ang tunay na pag ibig ay hindi laging naghahatid ng ligaya... at kung walang sakit, hindi mo ma-aapreciate ang tunay na kaligayahan;
C. kung hindi ka nya minahal... pasalamatan mo! dahil kahit papano naramdaman mo na mahal ka nya kahit hindi, at ikaw minahal mo sya ng buong puso
Minsan kailangan lang natin harapin at tanggapin yung mga bagay o taong na nakasakit sa atin...
Huwag piliting kalimutan, kundi patawarin...
Tanggapin kung ano ang noon...
At taas noong harapin ang ngayon!
Dahil kung nasaktan ka man noon,
Ngayon mag-iingat ka na at alam mo na kung ano ang dapat para hindi ka masaktan.
Mahalin mo ang mga taong naka paligid sayo, at tanggapin mo ang taong nakasakit sayo dahil sila ang dahilan para maging matibay ka!
Mahalin mo ang sarili mo para sa susunod di kana padalos-dalos.
At pasalamatan mo ang taong nakasakit sayo...
Sino ba ang mas mahalaga,
Ang taong mahal mo o ang taong gusto mong mahalin?
Ang taong kasama mo buong araw o ang taong iniisip mo bago matapos ang araw?
Siya bang kasa-kasama mo sa lahat ng ginagawa mo o siyang dahilan ng lahat ng bawat kilos, at galaw mo?
Sino ba ang mas mahalaga...
Ang taong nais mong makasama habang buhay o ang taong hindi mo na makikita ang halaga ng buhay kapag wala siya?
Sino ang mas matimbang...
Ang taong pag kasama mo'y parang kay bilis ng oras o ang taong tuwing iniisip mo'y parang kay bagal ng sandali?
Ano ang susundin mo...
Ang idinidikta mo sa puso mo o ang idinidikta ng puso mo sayo?
Siya ba na laging pumapasok sa isip mo o siya na laging laman ng panaginip mo?
Sino nga ba...
Ang taong nagpaluha syo, o ang taong nagpahid sa minsang pagluha mo?
Sino sa kanila... ang taong muling nagpangiti sayo o ang taong dahilan ng lahat ng iyong pagluha?
Sino nga ba ang pipiliin mo?
ANG TAONG MULING MAGBUBUKAS NG PUSO MO...
O ANG TAONG MATAGAL NG NANDOON SA KULUNGAN NG IYONG PUSO?
Ron:)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment